110

Dec 15, 2017 @ 16:27
By

9K pasahero sa pier na-stranded dahil sa bagyong Urduja

Nadagdagan ang bilang ng mga stranded na pasahero sa mga pantalan dahil sa Bagyong Urduja.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na ang kabuuang bilang ng mga stranded na pasahero sa 9,028.

Nasa 859 naman ang hindi nakabyaheng mga barko; nabalam din ang byahe ng 30 rolling cargo habang 20 motor banca naman ang hindi nakapaglayag.

Ang bulto ng mga stranded na pasahero ay mula sa Port of Matnog sa Sorsogon na may 3,338;

Sa North Harbor naman sa Maynila, hindi nakabyahe ang 2,756 pasahero; habang sa Port of Jubasan sa Northern Samar ay may 1,261.

Sa Port of Looc sa Occidental Mindoro, stranded ang 285 pasahero; sa Port of Pio Duran sa Albay ay 297 at sa Port of Liloan sa Cebu ay 170.

Sa ilalim ng panuntunan ng PCG, hindi pinapayagan na bumiyahe ang alinmang uri ng barko sa mga lugar na nasa ilalim ng public storm signal, maliban na lang kung ang barko ay magte-take shelter.

“No vessel of any type or tonnage shall be allowed to sail except to take shelter, as the situation may warrant, when Public Strom Warning Signal (PSWS) Number 1 or higher is hoisted within its point of origin, the intended route, and point of destination. All vessels that are already underway shall seek shelter when any PSWS is hoisted in its immediate vicinity, along its route, and point of destination. It is the responsibility the ship owner/ operator and Master or Patron of the vessel on how to seek shelter and ensure the safety of the ship Vessels are allowed to leave port only to take shelter and shall depart without passengers and/or cargo onboard,” ang nakasaad sa PCG Memorandum Circular Number 02-13 o Guidelines on Movement of Vessels during Heavy Weather. (Maricel Diaz/Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?