30
ABANTE albay evacuate infection
Feb 21, 2018 @ 19:58
By

9K na evacuees sa Albay, nagkasakit na – DOH

Mahigit siyam na libong residente sa Lalawigan ng Albay ang nagkakasakit magmula nang mag-alburoto ang Bulkang Mayon noong January 15, 2018.

Sa pinakahuling tala ng Department of Health (DOH), kabuuang 9,273 evacuee ang binigyan ng medikal na atensyon hanggang nitong Februay 17.

Pinakamarami sa mga nagpakonsulta ay mga kaso ng Acute Respiratory Infection (ARI) na naitala na sa 6,138.

Nasa 1,223 naman ang nilagnat; 672 ang kaso ng alta presyon o hypertension, habang 581 ang dumanas ng diarrhea at 399 naman ang nagkasugat.

Iniulat din ng DOH na umaabot na sa P31.6 million ang halaga ng logistical support na kanilang ipinagkaloob sa DOH Region V.

Ang Department of Environment and Natural Resources ay namahagi naman ng 100,000 piraso ng N95 masks sa lokal na pamahalaan ng Guinobatan, Albay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?