35

Jan 5, 2022 @ 15:16
By

99 empleyado ng MRT positibo sa Covid antigen test

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test ang 99 na empleyado ng Manila Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) nitong Miyerkoles.

Ito ay matapos na iutos ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsasagawa ng swab test sa mga tauhan ng riles dahil sa pagtaas ng impeksyon ng Coronavirus sa Metro Manila.

Ayon sa DOTr, ang nga nagpositibo sa antigen test ay kailangang sumailalim sa RT-PCR para makumpirma kung COVID nga ang sakit ng mga ito.

“Them, as well as their identified direct contacts, have been required to go on quarantine, until re-tested and confirmed negative,” pahayag ng DOTr.

Dagdag pa riyan, sinabi rin ng DOTr na magpapatuloy ang RT-PCR testing sa buong linggo upang masiguro na lahat ng empleyado ay masusuri.

“Antigen testing and confirmatory RT-PCR testing will continue for the rest of the week until all personnel are tested,” dagdag pa ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?