17

Feb 16, 2021 @ 9:29
By

98 pagyanig naitala sa Taal

Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 98 tremor episodes sa Taal Volcano.

Lima hanggang 12 minuto ang tinagal ng bawat pagyanig sa nakalipas na 24 oras mula Lunes hanggang ngayong Martes.

Samantala, mahinang nagbuga rin ang bulkan ng puting steam-laden plumes, batay pa sa 8 a.m. bulletin ng Phivolcs, Pebrero 16.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil may tsansa pa rin itong sumabog, at maglabas ng volcanic gas at abo sa Taal Volcano Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?