71

By

98 Degrees magtatanghal sa Manila, Cebu, Davao sa 2020

Hindi na makapaghintay ang American pop-R&B band na 98 Degrees na mag-perform ulit sa Pilipinas sa susunod na taon.

Para sa kanilang “Philippine Tour 2020,” magtatanghal sila sa SMX Convention Center this Feb. 16 sa Davao; sa Waterfront Hotel & Casino sa Cebu, Feb. 19; at sa SM Mall of Asia Arena sa Manila, Feb. 25.

Magiging available ang tickets sa smtickets.com this Friday, December 6.

Ilan sa mga sumikat na kanta ng 98 Degrees ang “Invisible Man,” “I Do (Cherish You),” “The Hardest Thing,” at “Because of You.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?