19

Oct 26, 2021 @ 16:41
By

97 parak tinalo COVID

Umakyat pa sa 40,838 kawani ng Philippine National Police (PNP) ang naitalang gumaling sa COVID-19.

Ito ay matapos maitala ang 97 pulis na bagong nakarekober ngayong Martes.

Samantala, nadagdagan naman ng 34 ang bagong nagpositibo sa virus.

Batay sa datos ng PNP Health Service, umabot na sa 41,675 pulis ang nahawa ng COVID.

Nanatili naman sa 123 ang death toll rate ng ahensya.

Bumaba naman sa 714 ang active COVID cases ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?