83

Oct 9, 2021 @ 16:05
By

97 kandidato gustong maging presidente ng ‘Pinas

Halos 100 indibiduwal ang naghahangad na maging susunod na presidente ng Pilipinas.

Ayon sa datos ng Commission on Elections, kabuuang 97 ang naghain ng certificates of candidacy (COC) para sa pagtakbong presidente.

Kabilang sa kanila sina Senador Panfilo Lacson, Manila Mayor Isko Moreno, Vice President Leni Robredo, Senador Manny Pacquiao, dating senador Bongbong Marcos at Senador Ronald dela Rosa.

Samantala, umabot naman sa 29 indibiduwal ang naghain ng COC sa pagka-bise presidente kabilang sina Senate President Vicente Sotto III, Dr. Willie Ong, Senador Francis Pangilinan, Rep. Lito Atienza at Senador Bong Go.

Nasa 176 katao naman ang target na maging senador habang 270 party-list group ang nais makakuha ng upuan sa Kamara.

Kahapon, Oktubre 8 ang huling araw ng pagpa-file ng COC ng mga kakandidato sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?