7

Oct 3, 2020 @ 16:43
By

97 dinampot sa pag-iinuman sa Pasay

Umabot sa 97 katao ang inaresto sa dalawang bar sa Pasay City dahil sa paglabag sa mga quarantine rule.

Ayon sa Southern Police District, Biyernes ng gabi nalambat ang mga violator sa Matrix Club at Club 78.

Kinabibilangan sila ng 13 lalaking dayuhan, anim na babaeng foreigner, dalawang lalaking Pilipino, 18 babaeng empleyado, tatlong security guard at tatlong waiter mula sa Matrix Club.

Anim namang lalaking foreigner, dalawang banyagang babae, 17 customer care assistant, 25 empleyado at dalawang security guard ang dinakip sa Club 78.

Ilan sa mga naaresto ay nag-iinuman sa iba’t ibang kuwarto at hindi sumusunod sa social distancing at pagsusuot ng face mask.

Nakumpiska sa operasyon ang isang kalibre .38 baril na may limang bala, at isang kalibre .45 na may tatlong magazine at loaded ng 18 bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?