110

Apr 13, 2020 @ 14:53
By

97-anyos na lola, pinakamatandang COVID-19 survivor sa Brazil

‘Di inasahan ng mga tao na gagaling mula sa COVID-19 ang isang 97-anyos na lola sa Brazil.

Kaya naman, inulan ng palakpak si Gina Dal Colleto nang ilabas siya sa Vila Nova Star hospital sa Sao Paulo nitong Linggo.

Siya ang pinakamatandang napaulat na survivor ng new coronavirus sa Brazil, ayon sa Reuters. Siya rin ang tanging survivor sa kanilang 11 na magkakapatid.

Sa datos ng Johns Hopkins University ngayong Lunes, 22,318 na ang COVID-19 positive sa Brazil, kabilang ang 1,230 pasyenteng pumanaw sa sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?