23

By

95th NCAA tatalakayin ni Cayco sa PSA Forum

Sentro ng talakayan sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ang nalalapit na Season 95 ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Ihahain ni Peter Cayco ng Arellano University at NCAA Management Committee chairman ngayong taon ang mga dapat abangan sa bagong season ng NCAA na pinakamatagal na collegiate league sa bansa.

Unang beses na magho-host ang Arellano sa liga na kanilang bubuksan sa Hulyo 7 sa Mall of Asia Arena.

Iniimbitahan ang lahat ng miyembro ng PSA na dumalo sa weekly sports forum na inaayudahan ng San Miguel Corporation, Braska Restaurant, Amelie Hotel at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?