51
Mayon
Jan 18, 2018 @ 15:14
By ,

9,480 pamilya na ang lumikas sa pag-aalburoto ng Mayon – NDRRMC

Umaabot na sa halos 10,000 pamilya ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkang Mayon.

Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 9,480 pamilya o katumbas ng 38,939 indibiduwal ang naapektuhan ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang mga pamilyang ito ay mula sa 36 na barangay sa mga lalawigan ng Camalig, Guinobatan, Ligao City, Daraga, Tabaco City, Malilipot, Santo Domingo at Legazpi City.

Sa ngayon ay nananatili sa 30 evacuation centers ang mga pamilyang lumikas.

Inabot na rin ng mahigit P5 milyon ang naitulong ng Department of Social Welfare and Development at lokal na pamahalaan sa mga pamilyang lumikas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?