22

Jan 5, 2022 @ 13:42
By

93% ng dedo sa COVID noong 2021 ‘di naturukan – DOH

Ibinunyag ng Department of Health (DOH) ngayong Miyerkoles na 93% ng mga nasawi sa COVID-19 noong nakalipas na taon ang hindi bakunado.

Ayon kay DOH Undersecretary Leopoldo Vega, ito ang nakalap nilang datos mula Marso-Disyembre 2021.

“Yung namatay ho occurred in 93% sa mga unvaccinated,” saad ni Vega sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa nito, 80% ng mga naospital dahil sa virus ang hindi rin bakunado.

Batay sa tala ng ahensya, mahigit 50 milyon na ang fully vaccinated laban sa virus, habang mahigit 57 milyon ang nabigyan na ng unang dose.

Ang target ng pamahalaan na maging fully vaccinated bago ang halalan ay 77 milyon Pilipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?