18

Sep 27, 2020 @ 11:14
By

93 nag-party sa bar sa QC timbog

Dinakip ang 93 katao, kabilang ang mga dayuhang customer, sa isang bar sa Tomas Morato, Quezon City nitong Sabado ng madaling araw.

Napaulat na sabi ni Kamuning Police chief Police Lt. Col. Noli Abalos, nakatanggap sila ng tip na maraming nag-iinuman sa loob ng nasabing bar kahit lampas na sa curfew hours.

Napansin din ng mga nagpapatrol na pulis na maraming nakaparadang kotse sa labas ng bar.

Sa inisyal na pagpasok ng mga pulis sa bar, nakitang hindi na nasusunod ang social distancing dahil maraming tao sa loob.

Kaya naman sinalakay na nila ang bar kung saan nahuli ang 93 customer at mga tauhan ng bar.

Posible umanong maharap ang mga timbog sa patong-patong na reklamo tulad ng paglabag sa mga ordinansa sa liquor ban, curfew, physical distancing, mass gathering, at hindi pagsusuot ng face shield.

Ang mga ito ay dinala sa Barangay South Triangle covered court, tiniketan, at pinauwi rin pagkatapos.

Samantala, nahaharap sa posibleng kaso ang pamunuan ng nasabing bar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?