21
mahathir1

92-anyos na si Mahathir, nanumpa na bilang Malaysian Prime Minister

Sharing is caring!

Naging pinakamatandang government leader sa buong mundo si Mahathir Mohamad sa edad na 92.

Pinangunahan nito ang oposisyon para makamit ang tagumpay at nanumpa na bilang Malaysian prime minister.

Napanalunan ni Mahathir ang eleksiyon matapos mahamig ng kanyang koalisyon na Pakatan Harapan ang 113 seats sa 222 seats sa lower house.

Napabagsak nito ang Barisna Nasional coalition, na siya nang nagdomina sa nasabing bansa ng mahigit 60 taon, kung saan dating nagsilbi si Mahathir bilang chairman.

Suot ang tradisyunal na Malay attire, nangako si Mahathir na pagsisilbihan ang bansa at mga tao niya.

Sinamahan siya ng kanyang asawa na si Siti Hasmah Mohamad Ali at ilang lider ng oposisyon kabilang na si Wan Azizah Wan Ismail.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?