20

Oct 26, 2021 @ 13:18
By

91K pasaway na quarantine violators sa NCR niyari ng PNP

Nasa 91,093 indibidwal na ang nasampolan ng Philippine National Police (PNP) na lumabag sa quarantine protocols sa Metro Manila simula nang ikasa rito ang Alert Level 3.

Sa kabuuang bilang, 55% ang nakatanggap ng warning, 37% ang pinagpiyansa, at 8% ang pinatawan ng sanction.

Batay sa report, pinakamarami ang lumabag sa ipinatutupad na COVID minimum health standards na siyang may kabuuang bilang na 67,361 violators.

Nakatakdang magtapos ang Alert Level 3 sa Metro Manila sa Oktubre 31. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?