23

Aug 28, 2020 @ 23:32
By

911 sinisi sa pagkamatay ng taxi driver

Dismayado ang isang netizen sa pagkamatay ang isang taxi driver sa canteen na hindi kaagad naagapan ng 911.

Sa Facebook post ni Cheenee Reyes, pinuna nito ang nasabing national emergency hotline dahil nang subukan nila itong tawagan ay walang sumasagot, nang kanila namang tawagan ang isa pang hotline na 8888 ay pinapabalik lang sila sa naunang numero.

Saad ng netizen, nais sana nilang maagapan ang taxi driver na si Ricardo Camral, na bigla na lang umanong bumagsak at nawalan ng malay habang kumakain ito.

Kwento ni Reyes, sinubukan nilang tawagan ang iba pang emergency hotline ngunit ang dahilan daw ng mga ito ay walang available na ambulansya, kaya’t sila na ang nagdala sa taxi driver sa ospital ngunit dineklara na itong dead-on-arrival.

“Sana maayos nila lalo na sa panahon ng pandemic. Nakakafrustrate isipin na unreliable ang emergency hotlines natin,” giit ni Reyes.

Nang tanungin naman si Interior Undersecretary Jonathan Malaya, sinabi nito na fully operational naman ang naturang hotline at kanilang papaimbestigahan ang naturang insidente.

Ang 911 ang pinalit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dating Patrol 117 noong 2018, na kanya ring nilatag sa Davao noong siya pa ang mayor doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?