4

By

910 pasaway huli sa EPD ops

Sharing is caring!

Umaabot sa 910 pasaway na mga residente ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang simultaneous anti criminality law enforcement operation.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD District Director General Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng magdamang operasyon sa paghuhuli sa mga lumalabag sa batas at ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa mga lungsod ng Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina City.

Nasa 39 katao ang inaresto na lumabag sa ordinansang drinking in public places, nasa 246 naman ang huli sa smoking ban, nasa 27 ang half naked cases o walang damit pang-itaas na kadalasan ay mga kalalakihan ang nahuli, nasa 13 katao ang nahuling kabataan na lumabag sa curfew habang nasa 585 naman ang huli sa iba pang kaso ng paglabag sa ordinansa na mahigpit na ipinatutupad sa EPD area.

Base sa tala ng EPD, nasa 292 katao ang nahuling lumabag sa ordinansa sa Pasig Police, nasa 437 naman ang inaresto sa Mandaluyong, 70 katao ang naaresto ng Marikina Police habang nasa 111 tambay naman ang nahuli ng San Juan Police na pawang mga lumabag sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?