34

Dec 25, 2017 @ 15:49
By

91 stranded OFWs sa Hong Kong nakauwi na ng Pinas

Dumating kahapon ang ilan sa mahigit 1,000 OFWs sa Hong Kong na naloko sa biniling plane ticket mula sa isang travel agency.

Sa abiso na ipinalabas ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), ala-1:30 dumating sa NAIA Terminal 1 ang 41 OFWs sakay ng PAL Flight PR 301.

Samantala, ang 50 0FWs na galing din ng Hong Kong ay dumating naman ng alas-9:30 ng gabi sakay ng Cebu Pacific Flight 5J 119 na lumapag sa NAIA Terminal 3.

Ang 50 ang ipinangako ng pamunuan ng Cebu Pacific na kanilang ibabalik ng Pilipinas na libre sa pasahe.

Noong nakaraang linggo, nabunyag na mahigit 1,000 OFWs sa Hong Kong na nakatakdang umuwi ng Pilipinas ang hindi nakaalis matapos madiskubre na invalid ang nabili nilang plane tickets mula sa Peya Travel.

Ipinag-utos na ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ang pag-iimbestiga sa pangyayari para sa posibleng kasong administratibo na isasampa laban sa naturang travel agency.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?