14

Oct 12, 2021 @ 14:30
By

91 repatriated Pinoy mula Bahrain nakauwi na sa bansa

Nakauwi na sa ‘Pinas ang 91 overseas Pinoy mula Bahrain ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Anang ahensya, dumating ang 91 Pinoy sa sakay ng isang commercial flight ng Gulf Air.

Batay sa kanilang ulat, kabilang sa mga repatriated na napauwi ang ilang menor de edad, overstaying overseas Pinoy, mga buntis at ilang dating detainee.

Ayon sa ulat ng GMA News, discounted ang tickets ng mga nakauwing Pinoy.

Ayon sa DFA, 39 sa kanila ay sinagot ng Philippine Embassy ang pamasahe sa pamamagitan ng Assistance-to-Nationals Funds ng ahensya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?