21

Oct 13, 2021 @ 15:33
By

91% ng mga Pinoy takot sa COVID

Maraming Pilipino o 91% ang natatakot na mahawa sila o ang kanilang mga mahal sa buhay ng COVID-19.

Base ito sa face-to-face survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) noong Setyembre 12 hanggang 16 sa 1,200 katao sa buong bansa.

Ayon sa SWS, 76% ang lubhang nababahala na mahawa sila ng COVID at 15% ang bahagya lamang na nababahala. May 4% na hindi masyadong nababahala at 5% naman ang hindi nag-aalala.

Sabi ng SWS, dumami ang natatakot mahawa ngayon kumpara sa ginawa nilang katulad na survey noong Hunyo 2021.

Higit na mas marami umano ngayon ang naniniwalang lalala pa ang sitwasyon.

Ayon sa survey, 60% ang nagsabi noong Setyembre na naniniwala silang lalala pa ang sitwasyon samantalang 38% lamang ang nagsabi nito noong Hunyo.

PInakamarami ang natatakot na mahawa sa Visayas kung saan 95% ng mga respondent ang nagpahayag nito.

Sumunod ang Mindanao na 94% ang nagsabing natatakot silang mahawa at pangatlo ang Metro Manila sa 91%.

Nasa 88% naman ang natatakot mahawa sa ibang bahagi ng Luzon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,