10

Dec 29, 2020 @ 16:21
By

91% ng mga Pinoy hopeful sa 2021 – SWS

Ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS), 91 porsiyento ng mga Pilipino ang sasalubungin ang bagong taon nang may pag-asa at hindi pangamba. Pinakamababa ito mula 2009.

Limang puntos itong mas mababa mula sa 96% na mga hopeful Pinoy noong 2019.

Ito naman ang pinakamababang hopefulness rate ng mga Pilipino mula 2009, nang magtala ng 89% na mga hopeful Pinoy.

Samantala, ayon sa SWS, 7% ng mga Pilipino ang sasalubong sa darating na taon nang may pangamba. Umakyat ito mula sa 4% na mga fearful Pinoy noong 2019.

Ang mga “not poor” na kalahok ang pinaka-hopeful na sasalubong sa bagong taon sa 94%, sinundan ng “borderline poor” (93%), at “poor” (89%).

Ang naturang survey ang unang face-to-face interviews ng SWS simula nang humagupit ang pandemyang COVID-19 sa bansa.

1,500 adult Filipino na edad 18 pataas ang lumahok sa poll na sinagawa mula Nobyembre 21 hanggang 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?