248

Oct 1, 2019 @ 15:30
By

91 Chinese, 4 Pinay na-rescue sa Makati sex den

Nasagip ng mga awtoridad ang 91 Chinese at apat na Pinay sa loob ng isang KTV bar sa Yakal Street sa Barangay San Antonio, Makati City, Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI), ginagamit ang KTV sa prostitusyon.

Kasabay nito ay naaresto nila ang apat na Tsino at apat na Pinoy na hinihinalang nagbebenta sa mga biktima.

Ayon kay Atty. Jun Astreto, executive officer ng NBI Anti-Fraud Division, nakatanggap umano sila ng tip sa isang Chinese national na ginagamit umano ang naturang establisyimento para sa prostitusyon.

Nagsagawa ang mga operatiba ng dalawang linggong pagmamatyag at sinugod ang bar nitong Lunes ng madaling-araw matapos i-book ng NBI asset ang isang Pinay gamit ang online application sa halagang P29,000.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?