92

Dec 30, 2017 @ 17:18
By

90K ‘Vinta’ victims sasalubungin ang Bagong Taon sa evacuation centers

Inanunsiyo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na libo-libo pang pamilya na naapektuhan ng bagyong Vinta ang nananatili sa mga evacuation center.

Kaya’t malaki ang posibilidad na sa mga evacuation center sa Palawan, Zamboanga del Norte, Bukidnon, Lanao del Norte, Misamis Oriental, Compostela Valley, Davao City, Davao del Norte, North Cotabato, Lanao del Sur at Maguindanao sasalubungin ng mga evacuees ang bagong taon.

Sinabi ni NDRRMC spokesperson Mina Marasigan, may 18,289 pamilya na may katumbas na 89,611 indibiduwal pa ang mga nasa evacuation centers.

Bukod pa dito aniya ang 4,000 pamilya na nakikituloy sa mga kaanak.

“Malabo na makauwi na sila hanggang sa mga susunod na araw,” ani Marasigan.

Binanggit pa nito ang namataang namumuong bagyo ay posibleng tahakin ang dinaanan sa Mindanao ng mga bagyong Urduja at Vinta. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?