10

Sep 28, 2020 @ 18:02
By

90K negosyo sarado pa rin – DTI chief

Mahigit 90,000 negosyo, karamihan ay micro, small & medium enterprises (MSMEs), ay nananatiling nakasara dahil sa COVID-19 pandemic, ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez.

Sa budget hearing sa panukalang 2021 budget ng DTI, sa isang survey, anim na porsiyento na nakarehistrong negosyo kabilang ang MSMEs, ay hindi pa rin nagbubukas hanggang ngayon.

May 1.5 milyong nakarehistrong negosyo sa DTI, kung saan 99.6 porsiyento nito ay MSMEs.

“Dun po sa survey, ‘yung April to May, ang count po ay 38 percent ang closed. Nung June, July 11 percent ang closed. And then August, September, nag-run po ulit ng survey, six percent ang closed,” sabi ni Lopez.

Subalit marami na umanong mga negosyong nagbukas at anim na porsiyento na lang ang hindi nagbubukas.

“Nababawasan ‘yung nagko-close as many are either reopening. Pero 6 percent is a big number, that should be zero po,” sabi ng DTI chief.

Una rito, sinusulong ni Lopez ang ‘full opening’ ng negosyo sa iba pang sektor para umangat ang ekonomiya sa gitna ng pandemya.

“I believe we can safely reopen it. It’s been six months and the virus will not go away,” sabi ni Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?