4

Sep 25, 2020 @ 23:55
By

900K guro ready sa Halalan 2022 – DepEd

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang partisipasyon ng may 900,000 public school teachers sa halalan sa taong 2022, ayon kay Secretary Leonor Briones.

Sa budget hearing sa panukalang P606.5 bilyon pondo ng DepEd, tinanong ni Senate finance committee chairman Senador Sonny Angara si Briones kung may sapat na guro kung isasagawa ang eleksiyon ng dalawa o tatlong araw.

“We have 900,000 teachers and during the last elections the law provides that the participation in the electoral process has to be voluntary. If we go by experience in last year’s elections, practically all except those who are unable physically to participate, volunteered,” sagot ni Briones sa tanong ni Angara.

“It has become part of the tradition that teachers are trusted and they live up to this very high level of trust. I would imagine that if there is a decision, especially if it is covered by law, our teachers will participate,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Briones na nakasaad din sa batas na maaari ring kunin ang mga volunteer sa iba’t ibang sektor ng lipunan sa panahon ng halalan kung kulang ang puwersa ng mga guro.

Noong 2019, mahigit kalahating milyong guro ang nakilahok sa midterm election.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?