ABANTE jeepney jeep philippines puv buloc i-act
By

900 na mga bulok na PUVs hinarang ng I-ACT

Sharing is caring!

Nasa 900 na bilang ng mga public utility jeepneys, na karamihan ay mga dyip, ang hinuli ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT dahil sa iba’t ibang uri ng paglabag.

Ayon kay I-ACT Communications and Administration Head Elmer Argaño, natikitan ang mga pampublikong na karag-karag na at bumubuga ng maiitim na usok, samantala sinita lamang ang iba pang PUVs na gumagamit ng pudpod na gulong at hindi gumagamit ng head light.

May mga sinita rin umano silang mga dyip na imbes na gamitin ay ginagawang sampayan ang seat belt.

Hinimok naman ni Argaño ang publiko na isumbong sa I-ACT ang mga pasaway na PUVs tulad ng bus, dyip, taxi at UV Express sakaling may mapansin silang paglabag ng mga ito tulad ng pamamasada nang walang ilaw at iba pa.

Kabilang sa maaring pagsumbungan ng publiko ay sa pamamagitan ng Facebook page nito na I-ACT at email address na I-ACT@dotr.com.ph. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?