60

Feb 9, 2020 @ 18:09

900 baboy kinatay sa Bulacan

Umaabot sa 900 baboy ang kinatay makaraang makitaan ng sintomas at magpositibo sa lumalalang African swine fever (ASF) sa isang Eco Agri Farm sa Norzagaray, Bulacan.

Ayon kay Agapito Pascual, municipal agriculturist ng Norzagaray, kinatay ang mga ASF-infected pigs sa pamamagitan ng pagkuryente at doon na rin nilibing sa compound ng Eco Agri Farm na pag-aari ni Edwin Ong na matatagpuan sa Barangay FVR, Norzagaray.

Agaran namang na-disinfect ang buong farm upang hindi na makahawa pa at bumalik ang kinatatakutang ASF virus ng mga baboy.

Nabatid na mayroon pang apat na backyard raisers sa paligid ng farm na kailangang isailalim sa protocol upang masiguro na hindi nahawaan ng sakit ang kanilang mga inaalagaang baboy.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?