8

Nov 30, 2020 @ 13:47
By

90 preso COVID-positive, kulungan sinara

Dineklara bilang critical zone, o walang pwedeng pumasok o lumabas, at sinailalim sa lockdown ang Ilocos Norte Provincial Jail (INPJ).

Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang 90 bilanggo at limang guwardiya sa piitan.

Ayon pa sa ulat ng provincial government kagabi, lahat ng mga pasyente ay asymptomatic at ngayo’y nasa isolation unit na at regular na binabantayan ng mga nars.

Matapos maunang magpositibo sa sakit ang 5 jail guard, sinailalim sa COVID-19 swab test ang 160 preso ng INPJ.

Sa 160, 90 ang nakumpirmang nahawa sa virus, Linggo ng gabi.

Tiniyak naman ng gobyerno na gagawa ng paraan ang Provincial Health Task Force para mapigil ang pagkalat ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?