12

Aug 30, 2021 @ 11:06

90% ng ayuda naipamigay habang ECQ – DILG

Halos 90% na ng mga apektadong pamilya ng enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila ang naambunan ng ayuda ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

“More or less we’re at 90%,” ani DILG undersecretary Martin Diño nitong Sabado sa isang panayam ng Super Radyo dzBB interview.

Aniya, mas naging mabilis rin ang pamimigay ng cash aid ngayong Agosto kumpara sa mga distribusyon noon.

Matatandaang isinailalim ang National Capital Region sa pinakamahigpit na qauarntine classification noong Agosto 6 hanggang 20 bunsod ng COVID spike at paglobo ng kaso ng Delta variant.

Nito lamang Sabado ng ianunsyo ng Palasyo na iiral ang modified ECQ sa ilang lalawigan kasama ang NCR hangganng Setyembre 7.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?