66
buhay-carinderia
By

90% na bayad sa ‘Buhay Carinderia’, dapat maibigay ng TPB

Sharing is caring!

Kinakailangang mabayaran ng Tourism Promotions Board (TPB) ang 90 porsiyento ng proyektong Buhay Carinderia kahit hindi pa nakukumpleto ang pagpapatupad sa programa.

Ito ang nakasaad sa kopya ng Memorandum of Agreement sa pagitan ng TPB at Marylindbert International Incorporated na “exclusive owner” ng “Buhay Carinderia…Redefined” na isang culinary event na layong isulong ang food tourism sa bansa.

Salig sa dokumento, ang TPB ang sasalo sa gastusin ng paglulunsad ng “Buhay Carinderia…Redefined” na nahahati sa tatlong bahagi, at ang unang bahagi na gagawin sa North Luzon ay gagastusan ng P80 million.

Sabi pa sa kasunduan, magbabayad ang TPB sa apat na tranches, pero ang 90 porsiyento na halaga ng proyekto o P72 million ay kinakailangang maibigay bago pa matapos ang proyekto.

Ang nalalabing 10 porsiyento o P8 milyon ay babayaran naman ng TPB kapag naisumite na ng Marylindbert International ang end of project report.

Samantala, hindi rin nakasaad sa MOA kung dumaan sa bidding ang proyekto.

Bagama’t mahigpit ang batas sa pagdaraos ng competitive bidding sa mga proyekto ng gobyerno, pinapayagan pa rin naman ng Republic Act 9184 ang alternatibong paraan ng procurement pero ito ay sa ilalim ng ilang kondisyon.

Gaya na lamang ng direct contracting kung saan ang supplier ay hihingan lamang ng price quotation na maaaring tanggapin o isailalim sa negosasyon ng gobyerno.

Pero dapat ay magsagawa muna ang ahensya ng gobyerno ng survey sa industriya bago pumasok sa procurement process, at kinakailangan ding mapatunayan na wala nang iba pang mainam na substitute o pamalit na makikita sa merkado na mas bentahe para sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?