13

Oct 5, 2021 @ 16:03
By

90-anyos na Star Trek actor biyaheng kalawakan

Nagkatotoo ang noo’y pelikula lamang para sa aktor na si William Shatner dahil makakasama siya sa rocket ni Jeff Bezos na ipapadala sa kalawakan.

Si Shatner ay unang gumanap na Captain James T Kirk sa pelikulang Star Trek noong 1966.

At dahil 90-anyos na, siya ang magiging pinakamatandang astronaut.

“I’ve heard about space for a long time now,” pahayag ni Shatner. “I’m taking the opportunity to see it for myself. What a miracle.”

Ang aktor ay sasakay sa New Shepard rocket na binuo ng space company na Blue Origin na pag-aari ni Bezos, na ngayo’y pinakamayamang tao sa mundo.

Sa Oktubre 12 lalarga ang rocket kung saan kasama ni Shatner ang tatlo pang crew member. Tatagal ng 10 minuto ang kanilang byahe sa kalawakan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?