48

Jul 1, 2020 @ 14:50
By

9 tauhan ng Jolo police na sangkot sa misencounter, ipapatawag ni Duterte

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na makausap ang siyam na pulis na sangkot sa misencounter sa Jolo, Sulu na nagresulta sa pagkamatay ng apat na miyembro ng Philippine Army.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, inatasan ng Pangulo si Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Año para iharap sa kanya ang siyam na pulis na nakapatay sa apat na sundalo.

Nalungkot at nanlumo aniya si Pangulong Duterte sa sinapit ng apat na sundalo dahil hindi dapat na nangyari ang engkuwentro.

“Lungkot na lungkot siya. Ang ginamit nga niyang salita ay siya ay nanlambot, extremely sad at gusto nya pumunta mismo sa lugar,” ani Roque.

Wala namang ibinigay na detalye ang kalihim kung kailan at saan gagawin ang pakikipagkita ng siyam na miyembro ng PNP sa Preisdente.

Sinabi pa aniya ni Pangulong Duterte na hindi dapat nagpapatayan ang magkapareho ng idelohiya at sana ay hindi na maulit ang ganitong engkuwentro sa ilalim ng kanyang termino.

“Ang panganng Presidente gagawa siya ng hakbang para hindj na maulit ang ganitong misencounter, katarungan para sa mga namatay at reporma para hindi na maulit ito sa ilalim ng kanyang termino,” dagdag ni Roque.

Ang siyam na pulis ay dadalhin aniya sa Kampo Crame at haharap sa Presidente sa mga darating na araw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?