212

9 sundalo sugatan sa engkuwentro sa NPA

Siyam na sundalo ang sugatan matapos makabakbakan ang mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Barangay Bay-ang, San Jorge, Samar nitong Sabado.

Ayon sa report, patungo na umano ang tropa ng 63rd Infantry Battalion sa Barangay Bay-ang dakong alas-6:50 ng umaga nang matiyempuhan ang ilang armadong lalaki.

Nagkaroon ng palitan ng putok at pagpapasabog ng improvised explosive device ng NPA.

Nang mawala ang usok ay tumambad ang siyam na sugatang sundalo na may tama ng shrapnel. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?