14

9 sundalo, patay sa pagsabog ng cargo plane sa Georgia

Sharing is caring!

Siyam na sundalo ang kumpirmadong nasawi nang sumabog sa ere ang isang limang US military cargo plane nitong Miyerkules.

Ayon sa ulat, nag-crash ang C-130 “Hercules” cargo plane bandang alas-11:30 na umaga ilang minuto matapos mag-take off sa Savannah airport, 170 milya ang layo sa southeast ng Atlanta.

Makikita sa video na pagbulusok ng eroplano bago ito sumabog.

Naunang naiulat na limang sundalo lang ang namatay subalit siyam pala ang kabuuhang laman nito.

Sinasabing 50 taon na ang nasabing C-130 cargo plane at patungo sana sa Arizona para sa isang training mission.

Iyon na sana ang huling biyahe ng eroplano at plano nang igarahe dahil sa sobrang kalumaan nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?