pulis

9 pulis QC, nahaharap sa kasong extortion

Sharing is caring!

Sinalakay ng SWAT team, miyembro ng District Operations Unit at District for Investigation and Detective Management, ang Police Station 11 sa Galas, Quezon City nitong hatinggabi ng Huwebes gahil sa reklamo ng pangingikil ng ilang pulis sa preso doon.

Ayon sa report ng Unang Hirit ng GMA7, siyam na miyembro ng Station 11 ang sasailalim sa imbestigasyon dahil sa reklamong hinihingan ng mga ito ng pera ang mga nakapiit doon.

Mahigit sa P200,000 umano ang hiningi sa mga preso kada buwan, sabi pa sa ulat ni Victoria Tulad.

Kung mapatunayang totoo ang bintang sa siyam na pulis, mahaharap sila kasong administratibo at kriminal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?