50

Jul 16, 2021 @ 17:54
By

9 politiko sumali sa Lakas-CMD

Siyam na lokal na politiko sa Laguna ang umanib sa Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) ngayong Biyernes.

Pinangunahan nina Lakas-CMD President at House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez at Lakas-CMD Secretary General at Deputy Speaker Prospero Pichay Jr., ang panunumpa ng mga bagong miyembro na sina San Pedro Councilors Michael Murillo Casacop at Divina De Vera Olivarez, at mga kakandidato sa pagkakonsehal na sina Marky Oliveros, Aldrin Gerrold Mercado, Jose Enrico Manas Mendoza, Sheriliz Bendaña Almoro, Chelsea Viaje Villegas, Vincent Jude Solidum, at Mark Elizier Acierto.

Pinuri ni Romualdez si San Pedro Vice Mayor Art Mercado sa pag-imbita sa mga bagong miyembro ng partido. Si Mercado ay tatakbo sa pagka-alkalde ng San Pedro sa susunod na eleksyon.

“We will protect and safeguard the interest of our members and we are going to be a resilient and victorious team in 2022 polls,” sabi ni Romualdez.

Sa Kamara de Representantes ay mayroong 26 kongresista na miyembro ng Lakas-CMD. Mayroon din itong 22 kaalyadong party-list congressmen.

“Lakas-CMD is re-emerging as a major political force, just in time for the coming elections. We have activated our regional councils, who are now busy screening applicants for new party membership all over the country,“ dagdag pa ni Romualdez.

Ang Lakas-CMD ang unang national party na nagpahayag ng muling pakikipag-alyansa sa Hugpong Ng Pagbabago, ang regional party ng presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte, isa sa mga napipisil na presidential candidate sa susunod na taon.

Ang Lakas-CMD ay nakapagluklok na ng dalawang chief executives—sina dating Pangulong Fidel V. Ramos at Gloria Macapagal-Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?