35
dead
Mar 5, 2018 @ 19:20

9 patay sa head-on collision sa Pakistan highway

Patay ang siyam katao at sugatan ang 30 iba pa sa salpukan ng bus at oil tanker sa inter-city highway ng Rawalpindi sa Pakistan.

Sa ulat ng Pakistani police, pabalik na ang bus sa Narowal district mula sa pagbisita ng isang shrine sa Islamabad.

Tinangkang mag-overtake ng bus sa isang sasakyan ngunit sumalpok sa oil tanker pagsapit sa tulay sa bahagi ng Gujjar Khan.

Dead on the spot ang pitong pasahero kabilang ang mga babae at bata habang dalawa ang namatay habang isinusugod sa ospital.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?