37

Feb 19, 2021 @ 9:45
By

9 pagyanig naitala sa Taal

Siyam na tremor episodes ang naitala ng Phivolcs sa Taal Volcano sa nakalipas na 24 oras.

70 hanggang 80 segundo ang tinagal ng bawat pagyanig.

Samantala, batay pa sa Pebrero 19 bulletin ng Phivolcs, mahinang nagbuga rin ang bulkan ng puting usok na umabot sa 40 metro ang taas.

Pinaalalahanan ng Phivolcs ang publiko na nananatili sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal dahil may tsansa pa rin itong sumabog, at maglabas ng abo at volcanic gas sa Taal Volcano Island.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?