4,596

Jul 1, 2019 @ 11:19
By

9 out of 10! Panelo bilib sa mga proyekto ni Duterte

Binigyan ng rating na 9 out of 10 ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga nagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bansa sa loob ng nakalipas na tatlong taon.

Sinabi ni Panelo na marami ng nagawa ang Presidente na napapakinabangan na ng mga Pilipino kabilang na dito ang mga batas na tutulong para mabago ang buhay ng sambayanan at mga isinusulong na programa para sa Mindanao region.

“In the scale of 10, it should be nine. ‘Di mo ba nabasa ‘yung listahan ng accomplishments niya, walang Presidenteng nakagawa ng ganon,” ani Panelo.

Pero sa kabila nito,sinabi ng kalihim na marami pang dapat gawin para sa mga Pilipino gaya ng may kinalaman sa dayuhang pamumuhunan, retail trade at public service.

Sinabi ni Panelo na mahalaga ring imonitor ang implementasyon ng Build, Build, Build program lalo na ang mga isinisulong na mga imprastruktura na inaasahang magpapabago sa buhay ng mga Pilipino.

Tuloy-tuloy rin aniya ang pagpapatayo ng mga rehabilitation center para ireporma ang mga Pilipinong lulong sa ipinagbabawal na gamot.

Kasama rin sa mga prayoridad ni Pangulong Duterte sa natitirang tatlong taon nito sa termino ay ang kapakanan ng overseas Filipino workers at out-of-school youth.

Sinabi ni Panelo na marami pang gustong gawin ang Pangulo para sa bansa kaya mahalaga ang suporta ng taongbayan.

“Marami pa kaya sabi ko there’s still so much he can do that’s why I say ” the best is yet to come,” dagdag pa ni Panelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?