12

Aug 20, 2020 @ 16:30

9% ng mga taga-Navotas na-test na sa COVID

SDC

Sabi ni Navotas City Mayor Toby Tiangco, 25,000 residente na ng lungsod ang na-test nila para sa COVID-19 simula noong Marso.

Katumbas aniya ito ng 9.36 porsiyento ng populasyon ng lungsod.

“Because of the contact tracing, because of the number of tests na tinulong sa atin ng national government, ang na-test na po sa Navotas ay 25,004 out of a total residents of 267,000 so nakakatest na po tayo ng 9.36% of the total population,” wika ng alkalde sa isang Palace briefing, Huwebes.

Pinunto muli ni Tiangco na bumaba ang percentage ng COVID-19 infections sa lungsod matapos ikasa roon ang lockdown mula Hulyo 16 hanggang 29.

Kumpara sa 22 hanggang 23 percent na positivity rate noon, nasa 14 percent na lang aniya ito ngayon.

Sa ngayon, may 3,953 COVID-19 case sa Navotas kabilang ang 903 aktibong kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?