21

Jul 19, 2021 @ 17:22
By

9 na lugar dadalhan ng PAL ng bakuna

Siyam na lugar sa iba’t-ibang panig ng bansa ang makakatanggap ng karagdagang suplay ng bakuna ngayong Lunes, na dadalhin sa pamamagitan ng eroplano ng Philippine Airlines.

Ang mga lugar na ito ay Bacolod City, Iloilo, Dumaguete City, Tacloban City, Tagbilaran City, Butuan City, Cagayan de Oro City, Tawi-Tawi, at Zamboanga.

Ang mga brand ng dadalhing mga bakuna ay AstraZeneca, Pfizer, Sinovac at ang gawa ng US company na Johnson & Johnson na Janssen.

Ayon sa Facebook post ni Philippine Airlines spokesperson Cielo Villaluna, ang delivery ng bakuna ngayong Lunes ang mag-aakyat sa kabuuang bilang ng kanilang mga na deliver na bakuna sa halos tatlong milyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?