26
bir1
By

9 na kumpanya hinahabol ng BIR dahil sa utang sa buwis

Sharing is caring!

Ipinagharap ng reklamong tax evasion sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang isang bus transportation company at walong iba pang kumpanya at negosyante dahil sa hindi binayarang buwis na umaabot sa P215.45 million.

Kabuuang P43.88 million na utang sa buwis noong 2009 at 2010 ang hinahabol ng BIR sa bus at transport service company na Northstar at sa presidente at treasurer nito na sina Gerard Rabonza at Hazel Rabonza.

Umaabot naman sa P63.95 million ang bigong mabayarang buwis noong 2014 ng Daeah Philippines at presidente nito na si Emmanuel delos Santos na nasa construction at maintenance ng mga power generating plant at chemical plants infrastructure at mga katulad nito.

Sinampahan din ng tax evasion complaint ang Shema Ultimate Business Innovative Concept at mga opisyal nito dahil sa tax deficiency na P49.02 million noong 2011.

Hinahabol din ng BIR ang hindi nabayarang buwis ng RPV Electro na trucking contractor na P18.32 million para sa taong 2011.

Nasa P17.84 million naman ang tax liability ni Jennifer Dela Cruz Feliciano na may -ari ng Theaden Marketing Service para sa taxable year 2011.

Kabilang din sa mga kinasuhan BIR ng paglabag sa tax code ang Plastic Technobag dahil sa utang sa buwis na mahigit 13 million pesos, ang C.B. Eugenio na P4.35 million at Touring Group na P4.68 million. /

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?