90

9 na gabinete ni Aquino, kinasuhan ng plunder ng DOTr

Sharing is caring!

Sinampahan ng Department of Transportation (DOTr) kanina ng reklamong plunder sa Office of the Ombudsman ang siyam na opisyal ni dating Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng maanomalyang kontrata sa maitenance ng (MRT3).

Ang mga ipinagharap ng reklamo ay sina dating Department of Transportation and Communications Secretary Joseph Emilio Abaya at former Interior and Local Government Secretary Mar Roxas, na naging DOTC chief bago pinalitan ni Abaya.

Kasama din sa reklamo sina dating Budget and Management secretary Florencio Abad, dating Finance secretary Cesar Purisima, dating Energy secretary Jericho Petilla, dating Science and Technology chief Mario Montejo, dating Defense secretary Voltaire Gazmin, dating Public Works and Highways secretary Rogelio Singson, at former National Development and Economic Administration secretary Arsenio Balicasan.

Ang iba pang isinama sa reklamo ay sina dating DOTC undersecretaries Edwin Lopez, Rene Limcaoco, at Catherine Gonzales.

Isinama din charge sheet sina ang isang Marlo dela Cruz, bids and awards committee members, at mga opisyal ng dating MRT3 maintenance contractor, Busan Universal Rail Inc. (BURI).

Ito ang pangatlong reklamong inihain laban kay Abaya sa Ombudsman kasama ang BURI.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?