132
9 na biktima ng child pornography nailigtas sa Taguig City
By

9 na biktima ng child pornography nailigtas sa Taguig City

Arestado ang mag-live in partner matapos na makakalap ng sapat na ebidensiya ang kapulisan kasunod ng tip mula sa US Homeland Security Investigation and International Justice Mission na suspek umano ang dalawa sa child pornography.

Ayon kay Chief Superintendent William Macavinta naganap ang operasyon sa Taguig City, Sabado, Pebrero 16 ng hapon.

Na-rescue ang anim na biktima sa Barangay Calzada habang ang 3 iba pa ay sa Barangay Tuktukan.

Tinatayang 5-anyos hanggang 15-anyos ang edad ng karamihan sa mga biktima habang may isang 1-anyos na batang babae ang biktima rin ng mga ito.

Napag-alaman ng mga pulis na 2 sa mga biktima ay anak mismo ng suspek na babae habang ang 1 ay apo nito.

Tinatayang pumapatak ng P2, 000 hanggang P5, 000 ang binabayad ng mga kliyente ng mga ito mula sa Amerika at Europa.

Gamit ang mga batang babae ay gumagawa ng kalaswaan ang lalaking suspek at siyang pinanonood ng mga kliyente sa pamamagitan ng live stream.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?