17

Feb 22, 2021 @ 22:10
By

9 na bayan sa Leyte pinasok ng African swine fever

Tuluyan ng pinasok ng African swine fever (ASF) ang siyam na bayan sa Leyte ayon sa Department of Agriculture (DA) ngayong Lunes.

Tinukoy ni DA Eastern Visayas information officer Francis Rosaroso ang mga bayan ng Abuyog, Burauen, Dulag, Javier, La Paz, MacArthur, Palo, Pastrana at Tanauan na pinasok na umano ng ASF.

Aniya, kinatay ang 4,000 baboy sa kanilang probinsya upang maiwasan ang patuloy na pagkalat ng nasabing virus.

“Ngayon, hinihikayat ang barangay officials na sila na ang magmanman sa border checkpoints,” ani Rosaroso sa panayam ng TeleRadyo.

Tiniyak naman niya ang mga apektadong hog raiser na babayaran nila ang mga kinatay na baboy.

“May commitment ang ating Bureau of Animal Industry director na babayaran kaya lang it will take some time. Ang sabi, 5 to 6 months pero icu-cut short daw. Within 3 months, magkakaroon na ng inisyal na bayaran,” sambit niya.

Una nang nanawagan sa mga hog-raiser ang mga awtoridad ng Leyte noong unang linggo ng Pebrero na agad na i-surrender sa kanila ang mga baboy na sakop ng 500 meter radius ng mga apektadong lugar para maiwasan ang pagkalat ng ASF.

 

BASAHIN:
Leyte ‘di nakaligtas sa African swine fever
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?