49
views
caloocan-mayor1

9 na bagong graft cases vs Echiverri, isinampa sa Sandigan

Sharing is caring!

Kabuuang 44 na nakabinbing kaso ngayon ang kinakaharap ni dating Caloocan City Mayor Enrico Echiverri matapos isampa ang panibagong siyam na kasong graft laban sa kanya sa Sandiganbayan.

Ayon sa ulat, kabilang umano sa mga bagong kaso na inihain noong Abril 6 ang maling paggamit nito sa P37.72 milyon para sa iba’t ibang infrastructure projects na walang authorization mula sa city council.

Kabilang din sa mga proyekto nitong kinukuwestiyon ang pagkabit ng streetlights at dalawang drainage projects.

Kasama sa kinasuhan ng graft ang city accountant na si Edna Centeno at city budget officer na si Jesusa Garcia.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?