694

Feb 7, 2019 @ 19:04
By

9 miyembro ng pamilya nasawi sa sunog sa Pasay

Isang oras ang lumipas bago naapula ang apoy sa sunog na sumiklab sa isang residential area sa Maricaban, Pasay City nitong Huwebes ng madaling-araw.

Ayon sa report, posibleng lumala ang apoy dahil may pintura umano sa nasunog na bahay ng pamilya Calma sa Barangay 185 dahil may nagsasabi na may renovation sa loob nito.

Siyam na buhay ang nawala dahil sa nangyari na pawang mga miyembro ng isang pamilya.

Nakaligtas lang umano sa sunog ang ginang na si Jasmin Calma habang nasawi ang mister niyang Michael.

Pumanaw din ang kanilang mga anak na sina Mark Joseph, 23; John Clark, 17; at Andrew James, 11.

Hindi rin nakaligtas ang kapatid ni Jasmin na si Julius Guablas, at ang asawa nitong si Rheadela; at kanilang mga anak na sina Jhulea, 16; Nichole, 9; at Andrei James, 3.

Kuwento ni Jasmin, pinauna siya ng kaniyang mister na lumabas ng bahay at inakala niyang kasunod na niya ito at ang kanilang mga anak.

Samantala, kasalukuyan pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad kung ano ang sanhi ng sunog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?