142
masaker
By

9 magsasaka minasaker sa Negros Occidental

Sharing is caring!

Pinagbabaril ang isang kubo kung saan namamalagi ang ilang magsasaka, sa Sagay City, Negros Occidental noong Sabado ng gabi.

Batay sa report ng Aksyon Radyo Bacolod at Kodao, kinumpirma umano ng National Federation of Sugar Workers (NFSW) na siyam ang nasawi, kasama ang dalawang menor de edad at apat na kababaihan, sa malagim na pangyayari sa Hacienda Nene, Purok Fire Tree, Barangay Bulanon, Sagay City.

Nangyari umano ang insidente bandang alas-9:30 ng gabi, ayon kay Chief Inspector Rober Mansuetos, at idinagdag na hindi umano taga-doon ang mga biktima kundi mula sa iba’t ibang barangay.

Ayon sa pulisya, ang mga nasawi ay sina Eglicerio Villegas, Angelipe Arsenal, Morena Mendoza, Marchtel Sumicad,  pawang mula Bulanon; Alias Pater, Dodong Laurencio, Bingbing Bantigue, mga taga-Plaridel; Joemarie Ughayon Jr. na taga-Barangay Rafaela Barrera, at si Neknek Dumaguit.

Base sa Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at Unyon ng Manggagawa sa Agrikultura (UMA), naroon ang mga biktima para bungkalan ang lupa, na parte ng ‘notice of coverage’ ng Department of Agrarian reform na proyekto ng gobyerno.

Saad ng NFSW, mga ‘goon’ umano ang tinuturong salarin ng grupo, na kanilang taguri sa mga private security at mga miyembro ng Revolutionary Proletarian Army, isang grupo ng mga tumiwalag sa New People’s Army.

Nangako naman si Sagay Mayor Alfredo Maranon III na hihigpitan ang pag-iimbestiga sa nasabing insidente upang maibigay ang hustisya sa mga nasawi, at magbibigay din ng tulong sa mga naiwang pamilya ng mga pumanaw.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?