5

Feb 23, 2021 @ 9:24
By

9 lindol naitala sa Kanlaon

Sa nakalipas na 24 oras, umuga ang siyam na lindol sa Kanlaon Volcano.

Ayon din sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nagpakawala ang bulkan ng katamtamang puting usok na umabot sa 200 metro ang taas.

Naglabas din ang Kanlaon ng sulfur dioxide, na nagsasaad ng pataas na galaw ng magma sa bukana ng bulkan, sa average na 587 tonelada kada araw noong Peb. 17.

“These parameters may indicate hydrothermal, tectonic, or deep-seated magmatic processes occuring deep beneath the edifice,” ayon pa sa Phivolcs sa 8 a.m. bulletin nito, Peb. 23.

Nananatili ang Alert Level 1 sa naturang bulkan, na nangangahulugang nasa “abnormal condition” pa rin ito at pumasok na sa “period of unrest.”

Mariing pinaaalalahanan ng Phivolcs ang mga lokal na gobyerno at publiko na mahigpit na pinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius na permanent danger zone (PDZ) ng Bulkang Kanlaon, dahil maaari anilang maganap ang biglaan at mapanganib na steam-driven o phreatic eruptions.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?