47

By ,

9 lasenggo dinakip sa QC

Sharing is caring!

Siyam na lasenggo kabilang na ang nagnakaw ng alak, ang dinampot ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa patuloy na isinasagawang ‘anti-criminality campaign’, habang nag-iingay at umiinom ng alak sa lansangan sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ni QCPD Batasan Police Station (PS-6), sa pamumuno ni P/Supt Rossel Cejas, ang mga nadakip na sina Albani Sultan, 18-anyos; Omair Pandara, 40; Habdul Maded, 25, at Nawak Satar, 25, pawang mga residente ng Brgy. Holy Spirit, habang habang nag-iinuman sa kalsada sa Commonwealth Ave., Brgy. Old Balara, dakong alas-11:00 ng gabi.

Binitbit naman ng mga nagpapatrulyang miyembro ng Barangay Peace and Security Office (BPSO) at dinala sa Batasan Police Station sina Jay Altarejos, 23-anyos, residente ng Brgy. Commonwealth; Ryan Reyes, 26; Denver Buenaventura, 30, at Jaypee Teves, 22, pawang mga taga-Brgy. Batasan Hills.

Dakong alas-10: 55 ng gabi nang maispatan ang mga nabanggit habang maingay na nagtatagayan ng alak sa kalye ng Kalayaan St., Brgy. Batasan Hills, sa nasabing lungsod.

Samantala, dinala naman sa Cubao Police Station (PS-7), sa ilalim ni PSupt Louise Benjie Tremor, si Eric Belen, 38-anyos, residente ng Taytay, Rizal, bandang alas-7:18 ng gabi nitong Disyembre 5, matapos magnakaw ng dalawang bote ng alak na nagkakahalaga ng P1,846 sa Welcome Supermarket, Farmers Plaza, Araneta Center, Cubao.

Pinasalamatan naman ni QCPD Director, P/Chief Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar ang kanyang mga tauhan at ang mga barangay tanod sa lungsod, na nagtatrabaho 24/7 upang maiwasan ang pagkakaroon ng krimen sanhi ng kalasingan. (Dolly B. Cabreza/with trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?